Google
 

Saturday, February 18, 2006

A Silent Prayer

Kap…, mga kababayan at kaibigan...rest in peace. Naway gabayan at pagpalain kayo ng Poong Maykapal.

I have been to Brgy. Guinsaungon, St. Bernard in February 2003. At ang mga na-alala ko ay ang kabaitan ng mga taga roon. Pinatira kami sa kanilang mga bahay, ipinagluto, at tinulungan sa aming interviews. Si Kapitan ay nasa late thirties at aktibo para sa ikauunlad ng kanilang Barangay. Ang mga kababaihan, lalo na ang mga miyembro ng Barangay Health Workers (BHWs) ay mga aktibo rin.

Pumunta kami roon para interbyuhin sila sa dahilang gusto nilang maging expansion site ng Women’s Health and Safe Motherhood Project - Partnership Component – ng RPMU-8. Isang malawakang proyekto para tulungan ang kasulusugan at kabuhayan ng mga kababaihan, ang proyekto ay pinondohan ng EU at ipinatupad ng DOH.

Ang hiling ni Kap noon ay isang maliit na Health Center para sa kanyang Barangay. At handa silang magcounterpart ng labor at materyales para sa pagpapatayo nito. Kahit ang boung IRA nila for that year ay handa nilang e-counterpart matupad lang ang kanilang pangarap. Ang hangad nila ay kaunlaran, kalusugan, at katahimikan para sa kanilang Barangay.

Mga hangarin…pangarap…all gone!

Ngayon…hindi ko maisip na ang boung barangay ay wala na . Hindi ko alam kong bakit? Bakit sila pa? Mababait at matulungin na mamamayan ang alam kong mga nakatira doon.

Ewan ko…. things happen for a reason….kong ano man yon, Diyos lang ang nakakaalam.

A silent prayer para sa iyo kap at mga kaibigan ko sa Guinsaungon.
========
Ang mga illegal loggers sa ating bayan… sana makonsenya naman sila.